"W-WHAT did you say?" anas ko sa tainga niya. Patuloy sa paghaplos ang malikot niyang mga kamay sa dibdib ko na nagbibigay sa akin ng urge na mapaungol. This is my innocent wife. Na ngayon ay malayo na sa pagiging inosente. Aaminin kong iyon ang isang bagay na pinakaminahal ko sa kanya noon pero mas gusto ko ang bersyon niya ngayon. Naughty and sexy. Pero hindi pa rin nawawala ang pagkakaroon ng mabuting puso na dahilan para maging proud ako na ako ang asawa niya. Hinapit ko siya ng todo at napasinghap siya dahil doon. Pareho kaming napangiti habang pareho ring titig na titig sa mata ng bawat isa. Ga-hibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin at wala akong gustong gawin kung hindi manatili kami sa ganoong pwesto. Kung pwede nga lang na ganito na lang kami palagi. Malapit na malapit sa is

