LUNA WALA na akong mahihiling pa para sa pagsasama namin ni Reagan. Well, mayroon pa pala. Iyon ay ang magbunga na ang pagmamahal namin sa isa't isa. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana ay mabuntis na ulit ako. Magkaroon na sana kami ng anak na ipinangako ko sa sariling mamahalin at pakaaalagaan ko na ng mabuti. Iyon na lang talaga ang kulang sa amin. Sobrang excited na ako to the point na kung anu-ano na ang na-i-imagine ko. Kung sino kaya ang kamukha nito, kung magiging babae o lalaki kaya ang unang anak namin at marami pang iba. Maging ang reaksyon ni Reagan ay iniisip ko na. Siguradong matutuwa ito dahil ngayon pa lang ay kitang-kita ko na kung gaano siya kasaya kapag nakikita si Wyler. Nitong nakaraan ay bukambibig nito na asikasuhin ko na ulit ang pagbabalik University ko. Kung noon

