"ANG daya mo naman, eh. Hindi mo man lang sinabi na parating ka na pala. Tingnan mo tuloy ang hitsura ko, sana hindi muna ako naglaba. Ang pangit-pangit ko tuloy sa paningin mo," sabi nito nang kumalas sa pagkakayakap ko. Napangiti ako dahil kandahaba pa ang nguso niya habang sinasabi iyon. Ang cute niyang tingnan. Hindi rin totoo na pangit siya nang mga oras na iyon dahil galing siyang maglaba. Ang totoo ay kahit ano pa ang ginagawa niya ay siya pa rin ang pinakamaganda para sa akin. "Sino naman ang nagsabi na ang pangit mo, Sweetheart? Ang ganda-ganda mo nga, eh. Napawi ang pagod ko sa pag da-drive nang makita kita. Besides, gustong-gusto ko ngang nakikita ka sa ayos mong 'yan, e. Napakasimple mo pero napakaganda. Napaka-bango mo pa, Sweetheart." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya

