LUNA "SO GLAD to meet you, Luna. Hanggang ngayon ay naaalala ka pa rin ng Papa at sigurado akong dahil iyon sa magandang performance mo sa trabaho noong narito ka pa," anang Filipino-Chinese na anak ni Mr. Lee habang iniaabot sa akin ang palad para makipag-kamay. Hindi ko alam na ito na pala ngayon ang namamahala sa Tala Pawnshop na noong narito ako ay ang ama nito ang may hawak. Gwapo ito, walang duda roon. Malinis tingnan bukod pa sa maputi nitong kutis. Pero mas napalagay ang loob ko dahil sa aura nitong palagiang nakangiti. Kagaya ng ama nito ay sigurado akong mabait din ang batang Lee. "H-Hindi naman po. Ginawa ko lang ng maayos ang trabaho ko." Napatingin ako kay Maggie at Winnie pagkatapos. Kapwa nag-thumbs up pa ang mga ito na nasa may di-kalayuan at naghihintay na matapos ang

