Chapter 92

1502 Words

NAGISING ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. Bahagya lang nakadilat ang mga mata ko na muli kong ipinikit dahil bahagyang masakit ang aking ulo. Nang kapain ko ang aking noo ay may nakapa akong bandage sa gawing kaliwa nito. Iyon pala ang dahilan kung bakit makirot ang ulo ko. Nang tangkain kong bumangon ay kumirot din maging ang isa kong hita pero tiniis ko iyon kahit napangiwi ako. Napabalik ako sa pagkakahiga at pinilit na alalahanin kung nasaan ako. Noon naman bumukas ang pinto kaya nawalan ako ng pagkakataon. Iniluwa nito si Jake. Doon biglang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari kung paano akong napunta rito. "Mabuti naman at gising ka na. Nagustuhan mo ba itong kwarto mo?" Bitbit nito ang isang tray ng pagkain pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Kung hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD