“Thank you, ‘Ma.” Malungkot na pinatay ko ang linya at sumandal sa swivel chair. Hindi ko maiwasang hilutin ang sintido ko. Lalong sumakit ang ulo ko kakaisip dahil sa narinig kay Mama. Tatlong araw na mula nang huli kong makita si Thor sa lugar na iyon. At hanggang ngayon, hindi siya sumasagot sa mga tawag at text ko kaya napatawag na ako kay kila Mama. Siyempre, nag-aalala ako dahil sa huli kong nakita. Isa pa, hinahanap na siya ni Ytan sa akin. Pero walang idea sila Mama kung nasaan sila Thor. Nag-alala na rin siya nang sabihin ko. Ayon nalaman nilang matagal ng hindi pumapasok si Thor sa opisina at sekretarya lang niya ang gumagawa lahat. Pero tumatawag naman daw si Thor para kumustahin ang kompanya, ayon naman kay Papa na tumawag pa sa opisina. Napahilot din ako ng batok kapagkuwan.