“WHAT? TATAYO KA na lang diyan? We're on our honeymoon, dear wife!” untag ni Thor sa akin na naging dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan. Nakagat ko ang aking labi dahil sa masasakit na alaala namin. Panibagong buhay na namin. Panibagong pasakit. Sana nga bumaliktad ang lahat kagaya ng sinabi ni Mama. Baka sakaling magbago nga raw ang anak niya sa piling ko. ‘Yong iba, ikinasal dahil totoong nagmamahalan sila. Pero kami ni Thor, ako lang ang nagmamahal. Bakit? Dahil hindi naman totoo ang lahat ng ipinakita niya sa akin. Hindi niya ako mahal kagaya ng sinasabi niya sa akin lagi noon. It was a cooking show. Simula sa panliligaw hanggang sa ako’y paibigin niya, na talagang pinaabot ng dalawang taon. Talagang ginisa ako at dinurog, maging ng kapatid niya. Nakikipag-usap na ako kay Tab n