TRENT
Dad always tells me kapag nakita ko na ang babaeng para sa akin. My world will suddenly stop. Everything I would do is all about the woman I loved. Siya lamang ang makikita ko sa tuwina. Iyong buong sistema ko ay sinakop niya na. I knew I found her—my only desire. Nakilala ko na siya sa oras na nagtama ang aming mga mata.
Ngunit may mga bagay na hindi naaayon sa panahon. As much as I desire to be with Lucette Montero. Hindi puwede. I can’t break my company rules, although somehow, I already did. Well, not with Lucy but with Jade.
Sa palagay ko tuluyan ko ng malalabag ang alituntunin ng kompanya dahil hindi ko kayang pigilan ang bugso ng aking damdamin.
Jade and I are best friends—friends with benefits. We have an open relationship. Weirdo man, but that works for her and me. Walang commitment. She can date someone else, so do I.
Nang makita ko si Lucy nawala lahat ng interes ko kay Jade. I desire to have Lucette Montero so badly. Gusto kong angkinin siya. Maging akin siya. But she’s too young for me. At isa pa, trainee siya. Boss niya ako.
If things could have been different, nagpadala na ako ng tuluyan sa aking nararamdaman at tawag ng laman. Hindi ko naman maitatago ang lubusang pagkagusto ko sa kaniya. I denied it, yes. But my body can’t resist.
Halik pa lang nakakabaliw na. I have been swooned with her sweet luscious red lips. Natural na mapula iyon at napakalambot. Hindi nakakasawang angkinin ang kaniyang mga labi nang paulit-ulit.
I tidy up myself and went to the banquet. Narinig ko ang usapan ni Lucy at ng kaibigan niyang inakala kong manliligaw o kasintahan niya. Iyon pala ay isang binabae. Sa tikas ng tindig nito ay siya namang pagkalamya ng boses.
“Hoy, bruhilda! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka nagpunta?”
“Naligaw. Ang laki ng hotel na ‘to. I got lost on my way back here.”
“Nagsasabi ka ba ng totoo? O naligaw ka sa puso ni boss?”
“Huh?”
“What, huh? Ano na? Tell me.”
“Naligaw nga sinabi.’Wag ka kasing makulit, Jae.”
“Eh, bakit parang namamaga ‘yang labi mo?”
“Hindi naman, ah?”
“Manalamin ka nga. God! Mag-make out ka lang naman hindi mo pa tinago. Look at your neck. There’s hickey.”
Natawa ako sa biglang pagkataranta ni Lucy. Tumakbo ito agad sa powder room. Maya-maya pa ay bumalik ito na sambakol sa galit ang mukha. I like seeing her mad. Mas gumaganda siya pero mas magandang pagmasdan ang nakakahalina niya ngiti. Her giggles are like music to my ears.
“Jae! Niloloko mo na naman ako. Wala naman love bite.”
“Eh, bakit ka nataranta? Ikaw Lotlot, saan ka ba talaga nagpunta?”
Lotlot? Siya nga si Lotlot. I never expect she’ll grow up an enchantress—maitim siya noon at sobrang chubby.
Magkakaibigan ang mga magulang namin. Our fathers are best friends. Ngunit ng nakidnap ang kapatid ko. Pinagbintangan ni Daddy si Tito Darrel na siyang master mind sa pagkawala ni Ysabella. And then their friendship was broken.
“Diyan lang nga sa tabi-tabi.”
“Sa tabi-tabi? Why are you fidgeting? Kilala kita mula ulo hanggang paa. Magkadikit ang balonbalonan natin. I know precisely when you are lying.”
“Fine! Nilandi ko si Mister Grumpy.”
“Nilandi mo? As in you flirted with him?”
“Oo nga. I seduced him the best way I could.Pati nga ang magpanggap na expert sa kissing ginawa ko na kaso Jae.”
“Kaso ano? Ba’t naluluha ka na riyan?”
Sumimangot ito at pinatulis ang bibig.
“Busted ako.”
“Sa ganda mong ‘yan. Ni-reject ka?”
“Ipamukha pa talaga,baklush?Kailangan ulit-ulitin? Nasasaktan na nga ako gagatongan mo pa. Ano bang mali sa akin?”
“Magaslaw ka. Napakaganda mo kaso ‘yang bibig mo walang preno. Try pa demure baka umepekto.”
“Demure? Eh, ‘di para mo na rin sinabi na gayahin ko si Cici. Demure demure, but she’s an effin’ hoochie.”
Lumapit ako sa mesang kinauupuan nila. Gulat ang nakita ko sa mukha ni Miss Montero. Namutla ito ng makita ako.
“Hi, Sir. Makikimesa ka ba sa amin?”
tanong ni Jaedynn.
“Okay, lang ba?”
“Okay, na okay. Lot, okay lang ba?”
Matipid itong tumango at napako ang atensyon sa kanyang pagkain.
“Miss Montero, did you not like the food the chef prepared?”
Umiling lang ito ng bahagya at pinagpatuloy ang mabagal na pagsubo ng Greek salad. Sa dinarami-rami ng pagkain na pinahanda ko dahil hiniling niya kanina. Iyong Greek salad lamang ang kinakakain niya.
“Are you not hungry? Bakit greens lang ang kinakain mo?” tanong ko rito.
She gives me a half gaze at pinagpatuloy ang pagtusok ng tinidor sa romaine lettuce na nasa pinggan niya.
“I’m on a Mediterranean diet,”sagot niya.
Bigla naman nabulonan si Jaedynn matapos sabihin iyon ni Miss Montero.
“Okay ka lang?” tanong ko rito.
He was choking. Akala ko kakailanganin ng Heimlich manoeuver or abdominal thrust. Umaarte lang pala ito.
“Okay lang po, Sir Trent. Ito kasing cousin s***h best friend ko. Inlove yata diet kasi bigla-bigla,” wika ni Jaedynn. Sumubo ito ng hiniwang steak at hinarap si Miss Montero.
“Since when did you eat grass, Lot?”
“Since today. Bakit? May problema ba kung preferred ko ang pagkain ng kambing kaysa tao?”
“Wala naman. Baka lang magpakita si Zeus mabighani sa alindog mo. Sana all hindi kailangan ng exercise at diet pero saksakan pa rin ng kaseksihan.”
“Tse! Konti lang kasi kainin mo at galaw-galaw para matunaw agad ang kinain mo.”
“Not everyone is blessed with a fast metabolism,” turan ni Jaedynn.
“Suwerte ko lang. Even if I pig out. I don’t gain weight.”
“Sige, e career mo ‘yang greens kermaloo mo.”
“Green salad is not bad. Kung ‘yan ang gusto niyang kainin,” wika ko to get her attention pero waley.
“Eh, ikaw po sir. Bakit walang laman ‘yang pinggan mo?”
“Ibang pagkain ang gusto niya,” ani Lucy kay Jaedynn.
“Anong pagkain naman?”
“Iyong meat na kinakain pero hindi nakakain ngunit nakakabusog,” ani Lucy.
Paano niya nalaman ang tungkol sa ganoong mga bagay? She looks so innocent, but her tongue is so wild.
“And what kind of food is that?”
“K-kem—never mind! Sir, you should put food on your plate nagpahalata ka. Sige, deny pa more.”
Boplaks!Hindi pa nga pala ako kumakain. Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan si Miss Montero. I feel the need to check if she’s eating well. Ni hindi ko na napansin ang matalim na tingin ni Jade sa akin.
Matapos sambitin iyon ni Miss Montero ay nasamid nang tuluyan ang kasama nito.
“Ayan tubig,” inabotan ni Miss Montero ng isang kopitang malamig na tubig si Jaedynn. “Kung ano-ano kasing tinitingnan mo. Panatalihin ‘yang mga mata mo riyan sa pagkain mo.’Wag pagpantasiyhang adobo si Sir Trent. Hindi siya ulam!”
“Mukha ba akong ulam, Miss Montero?”
“Mm-hmm. Yes. Para kang. . . steak—juicy steak,” ani Miss Montero.
Then she playfully flashes her flirtatious smile. Tiningnan ako nito at tumasok ng isang pirasong steak galing sa pinggan ni Jaedynn.
She put it on her mouth in slow motion, looking at me intensely, and then her eyes stop when it reaches down my waist. I know she’s teasing me. Hindi ko na maipagkakaila ang umbok sa aking gitna.
“Steak? What kind of steak?”
I ask in curiosity na hindi ko hinaluan ng malisya.
“Rib-eye. Iyong medium rare. . . may dugo-dugo pa,” wika ni Miss Montero then she winked at me. “Do you want a slab of rib-eye steak, Mister Valencia? I’ll get one. . . we could share. Medium rare or well done?”
“Rare. Iyong madugo pa.”