Crazy for Me

1867 Words
LUCY Bago pa man ako napadpad sa opisina ni Mister Grumpy. Si Beverly talaga ang inutusan ni Miss Jade para tawagin si Mr. Valencia. Gusto kong magpapansin sa kaniya kaya ako na ang nagprisintang tawagin ito. Nakahanda na ang employee lunch. It was a fancy buffet. I could tell the entries were superb. I am quite familiar with different cuisines, dahil hilig ko ang pagluluto. Madalas rin kaming dumalo ng pamilya ko sa mga social gatherings kaya sana’y ako sa ganitong magarbong handaan. Iyong mga dina-date ko rin sa campus they often take me to fancy restaurants. Madami sila hindi ko na mabilang. Not including the male models and actors that I turned down. Ayoko sa kanila pang-display lang naman ako kung magkakataon. I know my worth. Hindi rin ako nagyayabang. I have the beauty and brains. Sadya nga lang hindi ako pa demure. Minsan kilos babae at minsan naman titibo-tibo. Madalas na ipayo ni Jaedynn kapag may nanliligaw sa akin ‘collect and collect and then select.’ Kaso puro ako collect ni isa wala akong ma select. Sa dami ng aking naka-collect hindi ko na rin matandaan ang mga pangalan nila.Kapag kasi nagyabang na about themselves or who they are triple ekis na agad. I have a rule on dating. Hindi na ako nakikipagdate pang muli kapag napagbigyan ko na. I find Mister Grumpy a challenge, though. Parang exciting siyang jowain. Hindi pang tropa ang mga katulad ni Trent. Mukhang hindi ko na siya isasama sa mga collection ko because pang seryosohan siya at hindi pang playtime. Wala ng patumpik-tumpik pa. Selected ko na agad siya! Pang-hubby si Mister Grumpy. “Everyone here?” tanong ni Miss Jade. “Si Mister Grumpy, ay si Mr. Valencia po wala pa,” sagot ko rito. “Who?” “Si Sir Trent po wala pa.” “Oh, Trent?” “Yes, Miss Jade wala pa siya.” Tumingin siya sa aming lahat at napako ang tingin niya sa isa sa kasamahan namin. “Beverly, can you call Trent, please. Tell him we are waiting for him to grace the food.” Mabilis akong lumapit kay Beverly na nakilala ko lamang sa airport. “Bev, puwedeng ako na lang?” “Sige, ikaw na lang. Masakit na ang paa ko kakalakad paroon parito.” Natural sasakit ang paa niya. Eh, naka-high heeled boots siya on our flight. Samantalang ako naka leggings, tank top at white sneakers lang. When we arrived in Athens, saka na lamang ako nagpalit ng making damit at nagayos upang presentable sa pagharap namin sa staff ng hotel. “Thanks!” Nagpatuloy si Miss Jade sa pagpapakilala sa mga staff ng hotel. Bastos naman kong aalis ako agad kaya pinatapos ko si Miss Jade na mukhang kawayan sa tangkad at parang inarmirol sa tigas ang uniporme. “This banquet is specially requested by our CEO. We preferred all of these to welcome all of you to Riviera Santorini. Let’s have a wonderful ninety days together. Hope you have a great stay and enjoy yourself here in Riviera,” boring na speech ni Miss Jade, ang head chef. “Aba! Bongga! May pa-welcome party pa. Akala ko wala,” turan ko. Bonggacious naman hotel na ‘to! Sosyalin! May pa-buffet lunch ang may-ari ng kumpanya para sa amin na mga student affiliates. “Hoy! Bruhildang baklita. English speaking si Miss Jade. Tagalog ka ng Tagalog riyan,” puna sa akin ni Jaedynn. “Sorry naman malay ko bang sosyalin ang chef natin. Pinay na spokening dolyar.” “Puro ka kalokohan, Lotlot. Ikaw ba, alam ni Tito nandirito ka?” Tinawanan ko si Jaedynn,”Lucette Gabriella nag-iskapo ka na naman ano?” Lotlot ang tawag sa akin sa amin sa Bulacan. Ngunit noong nag-iskapo ako, para sosyal, I changed my nickname to Lucy sa campus, sa modeling agency, at pati na rin sa restaurant na pinapasukan ko noon. Isang taong mahalaga sa akin ang nagbinyag ng Lotlot na pangalan sa akin. Nangako siya na magbabakasyon taon-taon ngunit twenty one na ako ni isang bakasyon hindi niya nagawa. “May tama ka riyan,Jae! Slow ka rin noh? You know na hindi ako papayagan. Nandito kaya ako sa tabi mo kung legal ang pagpunta ko rito?” I replied arching my brow,” you know Daddy kulang na lang ikadena ako sa poste ng bahay.” “Eh, sa mommy mo?” “Mommy is all about her ever dearest, Lucille. Mas anak niya pa ang ampon nila kaysa sa akin. Imagine she has freedom but me? Kung hindi ako tumakas malamang nasa hawla na naman ako.” “Oh, so that is why you are acting as a free-spirited animal, I mean mammal—Tao ka pala. Akala ko kasi sa ganda mo isa kang diwata.” “Ewan sayo, Jaedynn.” “Miss Montero, can you call Trent now?” “Oh, yes, miss! On my way.” Nakalimutan ko ang inagaw kong task kay Beverly. Abala kasi kaming nagkukwentuhan ng cousin ko s***h best friend na si Jaedynn Denver Montero. Oh ‘di ba name niya pa lang hottie na. Eh, kaso isa siyang joklabels. Pareho kami ng tipo ng lalaki iyong mga guwapong much older than us. Mga lalaking guwapo at medyo bastos pero fafabols. Kung hindi ko si Jaedyn naunahan kay Mister Grumpy malamang umaangkla na ang gagang ‘yan sa braso ng future hubby ko. Oh? Claim to the highest level. Feeling vixen, Lucy? Sanggang dikit kami ni Jaedyn mula pa pagkabata. Actually, lalaking lalaki siya sa harapan ni Tito Dennis. Pero kapag tumalikod na ang belo ay nirarampa. My cousin, however, doesn’t dress girlie or kahit nag-lip gloss. Hindi siya ‘yong tipo ng shukla na nagpapa-girlaloo. Kaya naman sa hindi sa amin nakakakilala napagkakamalan kaming mag-jowabels. Natural kasi akong magaslaw at akala ng lahat I am hoochie. Alam n’yo yon? Dahil lang bobby-dazzler woman of the campus na. Maraming namamatay sa maling akala. Hindi ko naman talaga nakita na kinuhaan ako ni Mister Grumpy ng stolen shot. Kung hindi ako intrimitida at palihim na dumukwang para makita kung anong tinatawa-tawa niya. Hindi ko naman malalaman na he stole a photo of me. He was smiling and giggling by himself at hinalikan pa ang phone niya. Nabuang na yata. Na-curious ako para siyang timang. He was silently talking to his phone at hinalikan iyon. Akala ko may ka video call wala naman boses sa kabilang linya. At dahil ako’y isang babaeng paminsan lang tubuan ng hiya. I peep on his phone at ‘yon nga picture ko lang naman ang hinahalikan niya. Ibig sabihin he likes me! Assuming ka masyado,Lucy! Eh, kaso binasted ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit ayawan ng aking first love. Bigla akong nakonsenya sa sandamakmak na manliligaw ko sa eskuwelahan. Pero hindi sumusuko agad ang isang Lucette Gabriella Montero. Kung hindi siya nadala sa landian eh ‘di isusunod ko ang hiwaga ng mahika. Maghahanap ako ng gayuma. Gayuma sa pamamaraan ng aking galing sa pagluluto. Sabi nga nila the magic este a way to a man's heart is through his stomach. Kaya operation feed Mister Grumpy good food para ako’y mahalin niya. Ewan ko na lang kung hindi niya hanap hanapin ang luto ko. Baka naman sa sunod ako na ang putaheng gusto niya. Bet na bet ko ‘yon kung sakali. Nabigla ako ng walang pakundangan niya akong hilahin pabalik sa kaniyang opisina. Nilock niya ang pintuan at ikinulong ako sa mga bisig niya. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinabasib niya na aking mga labi. Para itong hayok sa halik. His kisses were intense and hard. Parang wala ng bukas. Ayokong mapahiya kaya bawat galaw ng kaniyang labi ay sinusundan ko. I mimic every movement of his lips hanggang nakuha ko kung paano iyon gawin. I have never been kissed. Wala pa ako ni isang naging nobyo sa mga naka-date ko. Mister Grumpy is my first kiss. Hindi ako makagalaw sa oras na naglapat ang aming mga labi. Parang tumigil ang aking mundo. Rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng aming mga puso. Unti-unting lumikot ang kaniyang mga kamay kaya I find a way to distract him.Bigla ko siyang hinalikan. It wasn’t a torrid kiss. Para ngang halik ng bata. It was only a smack na gusto kong gawin kanina pa. Then I took that chance para magpaalam ng matino sa kaniya. “Oh, darlin’ let me go. Hinahanap na ako ni Miss Jade. Catch you later.” “Nuh-uh. You are not going anywhere. Sinimulan mo ang larong ito. Hindi mo ba balak taposin?” Hinahamon ako nito. Sige makikipaglaro ako sayo ng patintero. Magdakipan tayo ng puso. Ang labo mo, huh! Ayaw raw tapos manghahalik. Tulak ng bibig. Kabig ng dibdib. Wala sa bokabularyo ng isang Lucette Gabriella ang sumuko. “I don’t stop when I start. I get what I want. Kahit sa anong paraan kapag gusto ko. Gusto ko. At gagawin ko ang lahat makuha ko lamang ang gusto ko. So, happen gusto kita,” waang prenong saad ko rito. “Isang materyal na bagay lang pala ako sayo? Laruan?” Gusto ko naman talaga siya. Kaso iba yata ang pagkakaintindi niya. I wanted him to know na wala akong balak sumuko. Ang kaso nagmukha tuloy akong playgirl. “Oh, I am not toying with you, Mr. Valencia. I meant to keep you. . . keep you inside me,” ginawaran ko siya ng mapang-akit at mapusok na halik,” between my legs.” I said teasing him. Sa palagay ko, eh, nag-init yata ang buong kalamnan niya sa kagagahang pinagsasabi ko. Pati ang mga linya sa Korean at Mexican telenovela ay ginaya ko na. Maakit lang siya. Bigla ako nitong inaangat sa ere. Isinandal sa pintuan habang hawak niya ako sa aking pang-upo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya kusa ko na lamang ipinulupot ang aking binti sa balakang niya. Then he squeezed my bottom. Dapat ay masakit iyon but it was numb. Wala akong ibang nararamdaman other than his hands felt good on my bum. I wanted more. Mas gusto kong mas malalim ang pagpisil niya rito. Humalinghing siya na nagbigay sa aking katawan ng kakaibang pakiramdam. Unang beses ko yata narinig ang A E I O U sa pinakamahinang tinig. Ang bawat hipo niya sa akin ay para akong mawawala sa sarili. “Is this what you want, huh?” “More than that—” Paghamon ko rito. “You are one hell of a seducer lady.” “Yeah, I know. I make a lot of men crazy over me. Are you?” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga kalandian na katagang lumalabas sa bibig ko. Kusa na lang lamang naiuusal ng matabil kong dila,” Are you crazy for me?” Tanong ko rito na mukhang hindi naman ako narinig. “So, hindi lang pala ako sa buhay mo?” Assuming siya. Anong klaseng tanong iyon? Is he insinuating I am a player or two-timer? Sasagotin ko sana siya ng puwede naman siya lang sa buhay ko pero jowa ko na ba siya agad? Ang bilis, huh! Walang pang eight hours. “Bakit tayo na ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD