JULIA “Wait lang, so iniwasan mo s’ya dahil nalaman mo na may crush s’ya sa’yo, tama? And umabot yung pag-iwas iwas mo na yon hanggang maka-graduate kayo?” tanong ni Klarisse matapos kong ikwento lahat sa kanila. Jusko, halos umabot yata ng dalawang oras yung pagkukwento ko dahil ang dami-dami nilang tanong na sinasagot ko muna bago ituloy ulit yung kwento. Eto namang sila Maybelle, kung makatango habang nagkukwento ako, eh parang first time nila marinig ‘to. Diba nakwento ko na sa kanila lahat noon? “Hindi naman sobrang iwas. Ano lang, nabawasan lang yung pagsama-sama ko sa kanya. Hindi tulad nung akala ko nga, crush s’ya nung pinsan ko.” paliwanag ko naman sa kanila. Tulad kanina, tumango-tango na naman yung iba, pero hindi si Klarisse. Ngumiti s’ya ng nakakaloko sa akin matapos n’y