JILL'S P.O.V Dali-daling nagpaalam ako kay uncle na pupunta muna ako sa restroom dahil hindi ko na kinaya ang kanyang mga titig. Mayroong malaking restroom sa loob ng mansyon nina Luke at Leah na hindi ko alam kung para saan. Kagaya lang siya ng sa mga mamalaking hotels. Nanghihinang itinukod ko ang aking mga kamay sa sink at tinitigan ang aking repleksyon. Nakakapanghina ang kanyang mga titig, pati narin ang aking katawan ay may mga kakaibang reaksyon dahil lamang sa titig niya. "Ano na naman ba 'tong nangyayari saakin?" Mahina kong ipinilig ang aking ulo at naghugas ng kamay. Napalingon ako nang may pumasok sa loob. My face expression changed and my eyes turned cold. She is throwing daggers at me through her eyes. Tumabi siya saakin at may inilabas na pouch pula sa kanyang bag. Na

