JILL'S P.O.V "Dito mo nalang ako ihinto kuya." utos ko sa driver na agad naman niyang sinunod. Agad akong bumaba at tinahak ang daan papunta sa paaralan. Nagpababa ako sa eskinita malapit sa academy para walang makakita sa aking lulan ng isang mamahaling sasakyan. Mabilis akong naglakad at huminto sa tapat ng gate. Kinuha ko ang aking ID na nakasilid sa aking bag at ipinakita iyon sa guwardiya. Tumakbo agad ako nang pinapasok na ako nito habang tinitingnan ang oras sa aking relo. Hindi ako huminto sa pagtakbo at nang dumating ako sa hallway, hindi ko napansin ang paang nakaharang sa aking dinadaanan dahilan para ako ay madapa. I groaned lightly because of my sudden fall. Medyo masakit ang aking tuhod ngunit ininda ko lamang ito. Nakaramdam ako ng presensiya na nakatayo sa aking likuran

