[MBI-FORTY-SIX] LYKA'S POV GUSTO ko nang sabihin ang totoo pero natatakot ako. Takot akong maiwanan ulit. Mahal na mahal ko si Kyran. Ano ba ang dapat kong gawin? Kanina sa mall, hindi ko alam kung paano ko 'yon pagtatakpan tapos ngayon pa na tumawag si Kyla at binanggit pa ang pangalan ko. Alam kong si Kyla ang tumawag sa akin. Walang lihim na kailanman ay hindi maibubunyag. Kung sasabihin ko ang totoo, ano na ang posibleng mangyayari sa akin? Masasaktan ko si Kyran at hindi ko kakayanin 'yon. Paano na? Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Bumaba na kasi ang lagnat ko. Matapos kong mag-ayos ay pumuwesto ako sa veranda. Binalingan ko ng tingin si Kyran, mahimbing ang tulog niya. "Paano ko ba sasabihin sa iyo ang totoo," bulong ko sa sarili ko. Pinahiran ko ang mga luha ko at lumapi