"HINDI ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pakiramdam ko nababaliw na yata ako dahil sa'yo," anas ni Vincent sa kaniya nang pakawalan nito ang kaniyang mga labi mula sa isang mainit na halik. Biyernes ng gabi at niyaya siya nitong lumabas pagkagaling sa trabaho. Noong umpisa ay nahahati si Portia sa gustong mangyari ng binata. Pero dahil pumayag naman si Tita Cecil nang mismong ang binata ang magpaalam rito ay minabuti niyang sumama narin. Pagkatapos kasi ng first lunch na pinagsaluhan nilang dalawa at pati narin ang mainit at unang halikan ni Vincent ay malaya na iyong nauulit sa kaniya ng binata. At wala siyang lakas ng loob para tanggihan at awatin ito, dahil gusto niya iyon. Pakiramdam niya pinapawi ni Vincent ang pagkauhaw niya sa parteng iyon kapag nahahalikan siya nito. O