JERRY Maaga akong nagising kinabukasan at nang kapain ko ang gilid ng kama ay wala doon ang asawa ko. Kaya naman pala ay nakatulog na sa double bed na nasa kwarto ng kambal. Nagligalig siguro ang mga bata kagabi kaya doon na s'ya naidlip ng tuluyan. Kumuha ako ng blanket at ibinalot sa kanya. Nakabaluktot kasi ang asawa ko at mukhang nilalamig nang makita ko. I checked my daughters' diapers at malapit na 'yong mapuno. Nilinisan ko sila at pinalitan na ng diaper. Himbing pa rin sila dala ng pagod mula kahapon. Mataba na ang mga kambal at malakas sa gatas. Sa awa ng Diyos ay hindi sila nagkakasakit. After my Daddy duties ay nagtungo ako sa shower at naligo. I have to go to the office today for a meeting at sa totoo lang ay gusto ko na sanang i-reschedule iyon kung hindi lang ako nahihiy

