ANNE Mag-uumaga na yata nang dalawin ako ng antok at nakasiksik ako kay Jerry. His arms were wrapped around me at nang magising ako ay wala na akong katabi. Nang tingnan ko ang relo ay mag-aalas diyes na ng umaga. I slept that long? Kaya pala kumakalam na rin ang sikmura ko. Bumangon ako at nagsuot ng sinelas saka nagtungo sa banyo. Nangangalumata ako sa puyat but I know I have to get up kahit wala naman akong gagawin. I have a husband to look after at kahit naman hindi s'ya nagpapaintindi sa akin ay obligasyon ko 'yon bilang asawa n'ya. By now, nakapagkape na s'ya. I washed my face and combed my hair. Nagpalit ako ng damit at pinili ang isang tshirt at shorts. Mamaya ay maglalaba na ako dahil last na itong suot namin ni Jerry ngayong araw. Nang makababa ako sa salas ay walang tao. T

