At around 8 to 9 am, katatapos lang ng mga oras na iyon i-check si Miggy at naisipan ni Ara na tumawag sa opisina nila upang ipaalam kung bakit wala siya. Nagpa-file na rin siya ng one week leave para naman kahit papaano ay may bayad pa rin kahit hindi siya pumasok. Wala naman nagawa ang kumpanya ng malaman kung bakit siya wala. Kahit pa hindi siya basta-basta dapat uma-absent ay valid naman ang naging reason niya. Isa pa, wala rin silang alam na hiwalay na sila ni Miggy kaya hindi na siya kinuwestyon pa. Itinalaga na lang muna si Thess na kapalit niya pansalamantala upang maayos pa rin ang departamento niya kahit wala siya. “Ara, puwede ko bang mahirap ulit ang phone mo?” rinig niyang sabi ni Miggy pagkababa niya ng tawag. Hindi na sumagot pa si Ara. Inabot na lang niya ang cell phone