Matuling lumipas ang mga araw. Halos isang linggo na rin ang nakalilipas pagkatapos ng pinaka espesyal na ganap sa buhay nina Angelo at Ara. Nasa Balanga na sila nakatira dahil iyon ang gusto ni Angelo. Hindi na rin muna nagtrabaho si Ara dahil nahihirapan siya sa paglilihi at para na rin mabigyan muna ng sapat na oras ang asawa niya. Dalawang buwan mahigit na kasi siyang buntis. At plano din nilang magtayo ng business kapag stable na ang panahon. “Love, may sasabihin ako,” wika ni Ara. Alas otso na iyon ng gabi at kasalukuyang nakahiga na sila sa kama. “Ano iyon?” “Naalala mo iyong singsing na nakita mo sa bag ko last time? Yung sabi mo may ganoon ka rin dati?” ani Ara. “Ah, yung heart shape at may bato sa gitna? Yes, why?” “Kasi… uhm… hindi naman kasi sa akin iyon. Nakita ko lang i