Kinabukasan, kamumulat lang nang mata ni Ara ng tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa ilalim ng kanyang unan upang tingnan kung sino ang nag-message at kung anong oras na. Ala singko y medya pa lang at si Cure ang nag-text sa kanya. Cure: Good morning… How’s your sleep? Ako naman, kagigising ko lang. Napangiti si Ara nang mabasa ang message nito. Wow! Kinilig naman siya ng very slight dahil parang continues ang pagti-text at pag-a-update nito. Good morning din. Okay naman ang tulog kahit papaano. How about you? Cure: Good to know that. About me? Okay naman ang tulog ko. Anyways, baka late na ako makaka-reply, ah… I need to prepare for work. I’ll text you later. Okay po… Iyon lang ang sagot ni Ara saka bumangon na upang maghilamos at mag-toothbrush. Sakto, pagkalabas niya n