“Wala na ba tayong nakalimutan?” tanong ni Ara sa kapatid. Kasalukuyan nilang inaayos ang mga dadalhin nila ng mga oras na iyon para mailagay na sa sasakyan. “Wala na, Ate. Na-check ko na lahat lalo na iyong mga gamit ni Luke,” sagot ni Lyka. “O siya. Tara na at isa-isa na nating dalhin sa sasakyan,” aniya. “Ako na ang magdadala niyan lahat sa kotse,” sabi naman ni Angelo. “Tulungan ka na namin kuya para mabilis. Thirty minutes na lang kasi bago mag-alas nuebe.” “Okay. Kayo na sa mga magagaan at ako na iyong sa mabibigat. Sabi nito saka unang kinuha ang isang maleta at baby travel bag. Habang sina Ara naman ay panagtulungan ang isa pang bag na medyo may kalahihan at iyong isang lalagyan na may mga laman na snacks para hindi na sila panay baba ng sasakyan mamaya. Lunes pa kasi ng hapon