At exactly 9 am, ready na ang pasyente na ooperahan ni Angelo kaya tinawag na siya. “Doc, patient is ready,” ani ng isang assistant physician kay Angelo. Tumango siya saka tumungo na sa operating room. Nakahanda na siya ng mga oras na iyon at hinihintay na lang ang takdang oras ng operasyon. At habang naglalakad sa pasilyo ay naisip niya si Ara. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga katanungang, kung nagalit ba ito o hindi. Baka mamaya niyan ay iwasan na siya nito. Baka hindi na nito sagutin ang tawag niya o hindi na ito magre-reply sa mga messages niya. Haist, sana lang hindi. Sana walang magbago sa kung anuman ang nasimulan namin. Nasanay na akong palagi ko siyang kausap at masaya ako kapag nakakausap ko siya. Oh, Ara, ano ba ang meron sa iyo bakit nagkakaganito ako? Napapailing na l