“Pagkatapos kumain ni Ara, sakto rin na tumawag sa kanya si Angelo. Inaaya siya nitong mag-road trip para malibot din daw nito ang buong Mariveles pero may lakad nga siya. “Saan pala ang punta mo?” “Nagpapasama sa akin si Miggy sa police station.” “But why? May problema ba?” “Wala naman. Wala daw siyang kasama kaya sa akin humingi ng pabor. Magpa-file daw kasi siya ng kaso doon sa nakabangga sa kanya.” “Puwede bang samahan na kita? Tapos saka tayo mag-road trip kasama si Luke pagkatapos mong samahan si Mr. Sarmiento?” “Ha? Nakakahiya naman. Baka may gagawin ka pa. Sandali lang naman iyon, makakauwi din ako agad,” anang Ara. “I insist, I’ll go with you…” “Sige. Ikaw ang bahala.” Wala ng nagawa si Ara. Pumayag na siya. Kasi kung siya lang ay mas gusto pa niyang kasama ang doctor ka