“A-Ara, can we talk?” bungad na sabi ni Miggy kay Ara pagkalabas niya ng banyo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila? Hindi siya sumagot. Tinungo lang niya ang kanyang bed at naupo. “Ano ang pag-uusapan?” “Ito pala ang phone mo, thank you. At may hihilingin sana akong pabor,” wika nito sabay abot ng cell phone niya. Kinuha naman ito ni Ara bago nagsalita. “Pabor?” “Oo. Ipapakiusap ko sana na kung puwede-“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng ward at may pumasok na dalawang babaeng nakasuot ng pang ospital. “Kumusta kayo, Sir?” tanong ng isa sa kanila. “Not really good. Pero hindi na gaano masakit ang sugat ko,” sagot naman ni Miggy habang si Ara ay nakatingin lang sa mga ito. “Check ka lang namin, sir, ah? Linisin din natin an