Kabanata 57

1049 Words

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap nina Miggy at Ailyn, si Miggy na mismo ang pumutol ng tawag. Medyo naiinis na kasi siya sa tono ng pananalita ng nobya kaya nagdahilan na lang siya na matutulog na muna. Umupo siya sa sofa pagkatapos dahil medyo nangalay na ang kanyang paa. Hindi pa rin kasi siya makalakad ng maayos dahil hindi pa naghilom ang sugat gawa ng operasyon. Habang nakaupo sa sofa ay muling bumalik sa alaala niya iyong gabi na nadatnan niyang may ibang lalaking lumabas sa kuwartong tinuluyan nila ni Ara dalawang taon mahigit na ang nakalilipas… “Sino ang lalaki na iyon?” wika ni Miggy nang sa paglabas ng elevator ay may nakita siyang ang isang bulto na pasuray-suray na lumabas sa inuukupang kuwarto nila ni Ara. Matangkad iyon, matipuno at kahit hindi niya nakita ang mukha n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD