Kabanata 52

1204 Words

“Dito muna kayo. Ako na muna ang papasok,” ani Ara ngunit pinigilan siya ni Angelo. “Love, samahan na kita.” “Ako na lang muna, please? Let me handle this,” aniya saka pumasok na sa loob ng gate. Wala ng nagawa pa si Angelo kahit pa ayaw niya kahit pa natatakot siyang baka mapaano si Ara. “Miggy, what are you doing here?” tanong ni Ara kay Miggy. Nakatayo ito at nakasandal sa hamba ng pintuan habang ang isang kamay ay may hawak na saklay. “Guess what?” sarkastisko nitong sabi. “Hindi ako manghuhula para mabasa iyang laman ng utak mo. Now, tell me kung bakit ka narito sa bahay dahil sa pagkakaalam ko, nailipat mo na ito sa pangalan ni Luke,” inis na sabi ni Ara. Pagak na natawa si Miggy. “Nailipat? Bakit ko naman gagawin iyon?” Napakunot ang noo ni Ara nang marinig ang sinabi nito. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD