Kabanata 7

1077 Words
Four months later… “Hello? Sino ito?” tanong ni Ara sa caller. Araw iyon ng mga puso at kauuwi lang niya galing trabaho nang may tumawag sa kanya at hindi naman naka-register ang number na tumawag. “Is this Ara Feliciano?” tanong ng caller sa kanya. Boses babae rin iyon. “Yes, speaking. Who’s this?” “Ma’am, I’m Sheena from Mariveles Rescue Medics. Kilala niyo po ba si Miggy Sarmiento?” muli nitong tanong. “Yes.” “Dinala ho siya dito sa Medics, Ma’am. Nadisgrasya po sa motor sa zigzag road at kailangan ng may mag-aasikaso para madala na siya sa ospital,” ani ng babae na nagpakilalang Sheena. “Ho?” gulat na sabi ni Ara. Hindi rin niya alam kung bakit siya pa ang tinawagan e apat na buwan na silang hindi nag-uusap ni Miggy at wala na rin siyang balita rito. “Ma’am, kung puwede po ay puntahan niyo na lang po rito para malaman ho ninyo ang sitwasyon niya dahil nawalan ho siya ng malay. Kailangan na rin ho siyang madala agad sa ospital para po mas malaman po kung ano pa ang ibang pinsala sa katawan ng pasyente. Hindi ho siya tinanggap sa maheseco dahil malala raw ang tama ng pasyente at wala silang kagamitan kung sakaling operahan siya. At kailangan po talaga ng kamag-anak para madala na siya since mahigpit po ang lahat ng mga ospital ngayon dahil may mga cases pa ng covid,” paliwanag pa sa kanya ng babae. At ang nabanggit nitong maheseco ay nag-iisang private hospital sa bayan ng Mariveles at wala nga talagang mga doctor para sa mga major operation. Hindi nakasagot agad si Ara. Hindi niya alam kung pupuntahan nga ba niya o hindi. Bakit hindi iyong babae niya ang pumunta? Bakit ako? “Ma’am?” tawag sa kanya ng kausap sa cell phone. “O-Okay… papunta na po,” tanging nasagot niya. Nanaig pa rin sa kanya ang kabutihang puso sa kabila ng ginawa ni Miggy sa kanya. Kahit papaano kasi ay ama pa rin ito ng anak niya. Kung ano man ang puwede niyang maitulong, iyon lang ang gagawin niya. Itatawag na lang din niya sa mga kamag-anak ni Miggy sa probinsya ang nangyari rito. Siguro nga… siya ang tinawagan dahil marahil siya pa rin ang nakalagay sa ID nito sa incase of emergency. “Saan ka pupunta, Ate?” nagtatakang tanong ni Lyka sa kanya nang makita siyang nagmamadaling kinukuha ang susi ng kanyang sasakyan. “Ly, ikaw muna ang bahala kay Luke, ha? Pupuntahan ko lang ang kuya Miggy mo sa medics,” tugon niya. “Medics?” “Oo, dinala siya sa medics at hindi siya tinanggap sa maheseco dahil malala raw ang tama niya,” saad niya. “Ha? Bakit ikaw ang pumunta? At paano mo nalaman?” “Tinawagan mismo ako ng taga medics na dinala siya roon. Emergency ito at saka ko na lang iisipin ang galit ko sa lalaki na iyon. Sige na, aalis na muna ako,” wika niya saka tuluyan ng lumabas ng bahay matapos makuha ang susi ng sasakyan at ang handbag niya. Hindi na rin nagsalita pa ang kapatid niya. Binuksan na lang nito ang gate nang makita na nakasakay na siya sa kotse niya. Malapit lang naman sa subdivision na tinitirhan nila ang Mariveles Rescue Medics kaya makakarating din siya agad. At halos sampung minuto lang ay nakarating na siya. Ipinadara lang niya ang sasakyan saka pinuntahan si Miggy. “Miss, saan po iyong dinala na naaksidente?” “Doon po, Ma’am,” turo sa kanya ng babae na mukhang nurse dahil sa suot nito. Napatingin si Ara sa direksyong tinuro ng babae. Ang nakita niya ay isang parang tent na sarado. Kaagad siyang pumunta roon at may nadatnan siya nurse din na lalaki. “Nurse, andito raw po iyong pasyente na nagngangalang Miggy Sarmiento?” tanong niya rito. “Kayo po ba iyong tinawagan ni Miss Sheena?” tanong din nito sa kanya. “Opo,” aniya. Tumango ito. “Halika ka po. Nasa loob po si, Sir, Ma’am,” anito sabay pasok sa loob. At napatakip ng bibig si Ara nang makita ang sitwasyon ni Miggy. Nahiga ito sa stretcher na magang-maga ang mukha na halos nakapikit na ang mga mata nito at putok ang labi. Puro dugo rin ang suot nitong damit at punit din ang suot nitong pants sa bandang tuhod. “A-Ara?” mahinang sambit nito sa pangalan niya. Hindi sumagot si Ara. Tiningnan lang niya itong tila walang emosyon sa mga mata. Ni hindi nga siya nakaramdam ng awa dahil nanaig ang galit sa kanyang puso. Gusto pa nga sana niyang sabihin na ‘buti nga sa iyo. Karma mo na iyan’ ngunit pinigilan niya ang sarili. “Ma’am, saang ospital po natin dadalhin si sir? Kailangan niyo pong mag-decide kaagad kung saang hospital siya dadalhin dahil itatawag pa natin iyon dahil hindi po basta-basta ang pagdadala ng mga pasyente dahil sa higpit gawa ng napakarami pang cases ng covid,” tanong ng lalaking nurse sa kanya. “Wala ho ba kayong ma-suggest na hospital?” tanong naman niya. “Ahm, sa case ni sir, parang may fracture ho siya sa tuhod niya dahil halos hindi niya ito maigalaw kaya kung gusto ninyong agad-agad na maasikaso si sir kung sakali man na ooperahan agad siya, sa private hospital po… pero kailangan po ninyong mag-ready ng malaking halaga kasi private po iyon. Kung kapos naman po, sudgest ko po ay sa BGHMC {Bataan General Hospital and Medical Center} na lang dahil maasikaso rin naman ho siya agad roon kapag may doctor po na available,” tugon naman nito. Ang BGHMC na sinasabi ng nurse ay isang public hospital na nasa city pa ng probinsya ng Bataan at 1 to 2 hours ang biyahe from the municipality of Mariveles. Hindi na nag-isip pa ng matagal si Ara. Kaagad niyang sinabi na sa BGHMC na lang dalhin si Miggy para hindi gano’n kalaki ang magagastos nito sakali man na operahan nga ito. Kaagad naman na nakipag-communicate ang mga staff ng Mariveles Rescue Medics sa ospital upang madala na ito kaagad. Nang maiayos na ang lahat ay may iilang dokumento lang na pinapirmahan kay Ara at kaagad ng dinala si Miggy sa ospital. Hindi na siya sumabay sa ambulansya dahil may sasakyan naman siya. Isa pa, ayaw rin niyang makita si Miggy dahil lalo lang bumabalik sa puso niya ang galit dahil sa ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD