Kabanata 5

1603 Words
“Are you okay, Ara?” tanong ng production manager kay Ara ng mapansin na tila ang lalim ng iniisip niya habang nasa conference meeting sila. Pinag-uusapan nilang ng mga oras na iyon ang kasunod na shipment ng product na ginagawa ng kumpanya pero wala roon ang isip niya. In short, lutang pa rin siya dahil sa nangyari sa kanila ni Miggy. “Ha? Ahm… o-okay lang po ako, Sir,” sagot niya sabay iwas ng tingin. “Ara, may sakit ka ba? Bakit parang namamaga iyang mata mo?” tanong naman ng kasamahan niya sa trabaho na kapareho rin niyang may posisyon sa kumpanya. “Wala naman, Ate V. Baka dahil sa puyat lang ito kaya namamaga. May sakit kasi iyong anak ko,” aniya. Ayaw naman niyang sabihin ang tunay na nangyari dahil hindi naman niya lahat ka-close ang mga naroon at hindi rin naman siya kumportable na sabihin ang bagay na iyon lalo na sa ibang tao. Tanging ang kapatid pa lang niya ang nakakaalam. Ayaw pa nga sana niyang pumasok pero nanghihinayang naman siya sa araw kung ang gagawin lang naman niya ay magmumukmok sa bahay at isipin ang problema niya’t baka lalo siyang mabaliw kapag nagkataon. Mas okay na iyong nasa trabaho siya’t may iba siyang pagtutuunan ng pansin. Pagkatapos siyang mapansin ng nakatataas sa kanila ay pinilit ni Ara na ituon ang atensiyon sa pinag-uusapan. Importante ang pinagmi-meeting-an nila ngayon kaya kailangan niyang maintindihan iyon ng mabuti. At isa pa, bilang isa sa namamahala sa finished goods warehouse, kailangan siya ang mas may alam para sa ikaaayos ng dipartamento nila. Sa department kasi nila ang kailangan mas pagtuunan ng pansin dahil finish product na iyon at for shipout na. Halos isang oras ang tinagal ng meeting bago natapos. At kahit papaano ay naintindihan naman niya saka nakapag-take down siya ng mga importanteng gagawin. Kaagad siyang bumalik sa department nila upang meeting-in rin ang mga tao niya tungkol sa pinag-usapan nila sa conference. “Madam, ayos ka lang ba? Kumusta ho anak ninyo?” tanong sa kanya ni Rona pagkabalik niya. “Ayos naman ako, Rona. Si Luke naman ay medyo okay na rin ang pakiramdam,” tugon niya habang inaayos ang mga ang mga folder na nasa mesa niya. “Halata kasing namamaga ang mga mata mo kahit na nakasalamin ka po,” sabi naman ni Rona. “Puyat lang ako, Rona. Siya nga pala, tawagin mo muna silang lahat dahil may sasabihin lang ako,” wika niya. “Sige ho.” Pagkatapos ay umalis na ito upang tawagin ang lahat ng mga naroon sa warehouse. At wala pang dalawang minuto ay nasa harapan na lahat ng mga tao niya warehouse. “Good morning sa inyo,” bati niya sa mga ito. “Good morning din po, Madam,” halos sabay-sabay na sambit ng mga ito. “For today’s meeting, ire-remind ko lang ulit sa inyo iyong mga dapat gawin para sa kasunod na shipment na mangyayari. As always, alam naman na ninyo iyong madalas na natin ginagawa tuwing shipment but this time, maselan iyong sapatos na iha-handle natin. Madaling madumihan kaya hindi siya basta-basta hawakan. Kilangan ng not double but triple ng ingat. At iyong outer boxes ay kailangan maayos at pare-pareho talaga ang sizes para magkasya sa paleta dahil nakapaleta iyon at babalutin pa iyon ng plastic bago ipasok sa container van.” Huminto muna siya’t tiningnan ang notes niya para sa kasunod niyang sasabihin. “At ihanda na rin ninyo ang inyong mga sarili dahil marami ang isi-ship next shipment. Bale dalawang high cube container van iyon at maselan ang sapatos na ilalabas natin kaya panigurado, aabutin na naman tayo ng hanggang madaling araw. Kung may mga katanungan at concerns, sabihin at magtanong na kayo ngayon din,” sabi niya saka tiningnan ang mga ito. “Wala na ho,” sabi naman ng mga ito. “Sigurado kayong wala na?” tanong niya. “Opo,” sabay-sabay na sagot ng mga ito. At sa tagal na ni Ara sa warehouse ay kilala naman niya ang lahat ng mga tao niya. Masisipag at sumusunod naman ang mga ito sa kanya. Katunayan at hindi sa pagmamayabang, simula noong siya na ang humawak sa finished goods warehouse ay naging maayos na doon at wala ng reklamo. Iyong pinalitan kasi niya supervisur ay madalas may reklamo lalo na iyong kung paano ito humawak ng tao. “At remind ko lang din, kapag hindi naman emergency, walang a-absent, okay?” “Noted po, Madam,” sagot naman nila. “O sige, magsibalik na kayo sa trabaho ninyo. Thank you.” Pagkatapos niyon ay nagsialisan na ang mga ito at ang tangin naiwan na lang ay ang assistant niyang si Rona. “Rona, i-receive mo na lahat iyong mga sizes labels ng outer box at outer box sa RMW {Raw Materials Warehouse} para makuha na nila Sammy at madala na dito. Make sure na tama ang bilang mo, okay?” paalala niya kay Rona. Mahirap kasi kapag nagkamali sila ng bilang lalo na kapag kulang ang items dahil per PO or purchase order ang nire-receive mula sa RMW. Kapag nagkataon kasi na kulang ay kailangan nilang mag-request ng additional at hindi basta-basta sila makakakuha dahil kailangan pa ng approval ng mga nakakataas. Maraming bakit pa na tanong at iyon ang iniiwasang mangyari ni Ara. Gano’n kahigpit sa kumpanya pagdating sa gamit. May monthly and yearly inventory din kaya naka-monitor ang lahat ng pumapasok at lumalabas na materials sa kumpanya. “Opo, Madam,” sagot naman nito. Si Rona kasi ang assistanteceiver sa warehouse nila. Trabaho nitong i-check kung tama ang bilang ng mga items na binibigay ng RMW department bago kukunin ng mga warehouse man at dalhin sa department nila. “Kapag may problema, sabihin mo agad sa akin, okay?” aniya. “Okay, po,” magalang nitong tugon. “Sige na, gawin mo na iyong mga dapat mong gawin,” ani Ara saka humarap na sa computer niya’t nag-check din ng mga emails at mga dapat pa niyang gawin. Kailangan niyang abalahin ang sarili upang kahit papaano ay malimutan niya ang problemang kinakaharap. She made herself busy the whole day. Inabala ang sarili sa trabaho kaysa naman isipin ang problema. Halos hindi na nga niya namalayan ang oras. Nagulat na lang siya ng kalabitin siya ng kaibigan at katrabaho niyang si Thess at sabihin na breaktime na. “Ara, sige na, sumama ka na sa amin,” paglalambing ni Thess sa kanya. Nakaraang linggo kasi ay inaya siya ng mga ito na pumunta raw sila ng Baguio para mamasyal at hindi nga siya umuo dahil ang rason niya, hindi pa maayos ang panahon at may anak siya. Saka ang sabi rin niya, hindi siya papayagan ni Miggy. “Hindi nga ako puwede. Saka… may mga cases pa ng covid. Babawi na lang ako,” tugon niya habang nanatiling nagtitipa sa computer niya. “May service naman tayo at hindi na masyadong mahigpit ngayon basta may vaccination card ka,” pangungulit nito sa kanya. Halos magtatatlong taon na niyang kaibigan si Thess dahil simula noong pumasok siya sa kumpanya ay ito ang una niyang nakasundo sa lahat ng bagay. Isa pa, kumare rin niya ito dahil ninang ito ng anak niyang si Luke. Matanda lang ito ng tatlong taon sa kanya at wala pa itong asawa. “Ito naman. Minsan lang naman natin gawin iyon. Saka kung gusto mo, ako na ang magpapaalam kay Miggy para sa iyo.” Napatigil si Ara sa pagtipa at napalingon sa kaibigan. Napalunok siya, nagdadalawang isip kung sasabihin na ba niya sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni Miggy. “Bakit ganiyan ka makatingin? At bakit ganyan ang mga mata mo?” kunot ang noo na tanong nito sa kanya. “Thess, ahm… ano kasi,” nag-aalangan niyang sabi. “Anong, ano?” halos mag-isang linya na ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. “Mamaya ko na sabihin. Free ka naman mamaya, ‘di ba? Puwede ka ba pumunta sa bahay? Doon ko na lang sabihin lahat sa iyo,” aniya. “Marz, puwede bang ngayon na’t hindi na ako makapaghintay. Para kasing ang bigat ng sasabihin mo, eh. Kitang-kita sa mga mata mo dahil kilala na kita. May problema ba?” pangungulit pa nito sa kanya. “Oo, mabigat kaya mamaya na lang. Huwag dito dahil alam mo na…” “Sige na nga. Doon na ako matutulog sa inyo dahil alam kong aabutin tayo ng umaga diyan sa ikukuwento mo.” Kilala na siya ni Thess kapag may problema kaya hindi na ito namilit pa. Ayaw naman niyang doon nila pag-usapan sa kumpanya kung sakali man na problema nga ang sasabihin ng kaibigan. Marami kasing mga maritess doon, mahirap na. “Sige, doon ka na matulog. Ano nga pala ang merienda mo?” pag-iiba niya ng usapan. Alas tres na at may thirty minutes break sila. “Suma lang. Ito, oh,” wika nito saka inilapag ang bitbit na maliit na paper bag sa mesa niya. “Wow, ibinili mo rin ba ako?” tanong niya habang sinisilip ang laman ng paper bag. “Hindi ko naman binili iyan. Ginawa iyan ni mader at pinagdala na kita dahil alam kong paborito mo iyan,” tugon nito. “Ay talaga? Thank you, Marz,” masayang sabi niya. Sakto at medyo gutom siya dahil kaunti lang ang kinain niya kaninang tanghalian. “At may kape na rin diyan. Kain na tayo,” ani Thess saka hinila ang isang upuan na nara harapan ng mesa niya’t umupo. Inilabas naman ni Ara ang laman ng paper bag at sabay nilang kinain ang dala ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD