“Mars, ano na? Mukhang ang dami mong hindi nasasabi, ah,” bungad na tanong ni Thess pagkakita nila ni Ara kinaumagahan. Maaga kasing nagising si Ara at pinuntahan ang kaibigan sa kuwarto nito dahil tinawagan siya nito. Tulog pa si Luke at Angelo kaya iniwanan niya muna ang mga ito. “Sobrang dami, Mars. Baka kulangin ang isang araw kapag ikinuwento ko lahat sa iyo,” sagot naman ni Ara saka umupo sa kama katabi ng kaibigan. “Make it short. Let’s start about you and doc,” Ani Thess na inakbayan pa si Ara. “Kami na…” Biglang napatili si Thess nang marinig ang sinabi niya. “OMG! Trulaley?” Sunod-sunod naman na tumango si Ara. “Kailan lang? At paano naging kayo?” curious na tanong ni Thess at medyo hininaan din ang boses para walang makarinig. “Ano… may nang—Aray!” Kinurot ni Thess si