Hanna's P. O. V Pakiramdam ko ay tinutusok ng karayom ng paulit ulit ang puso ko. "Kasalanan ko atang nandyan ka anak, baka nasobrahan ako sa stress at sa pagod habang inaalagaan kayong magkapatid" mahina kong sabi sa pagitan ng aking paghikbi. "Amor... Please don't blame yourself. Palagi ka nalang ganyan, ayokong nakikita kang nahihirapan" bulong ni Xander saakin at hinalikan ang noo ko. Nakaupo ako ngayon sa wheel chair dahil hindi pa ako pwedeng maglakad. Ramdam ko ang kirot sa ilalim ng puson ko kung saan naroon ang tahi ko. "Hindi manlang natin siya mahawakan" naiiyak kong sabi at napahawak sa salamin kung saan ay pagitan naming dalawa ng anak kong nasa Incubator. "Shhh... Hanna 'wag ka na umiyak, kailangan mo magpalakas para sa anak natin" sambit ni Xander. Bigla namang umiya