Hanna's P. O. V Mamayang alas dose ng madaling araw ay birthday na ni Samantha. Pinilit kong hindi matulog. Mayroon kaming group chat na balak I surprise si Sam, sila Jerry ay nagready na at doon daw sa bahay nila. Samantalang ako ay hindi nakasama sa paghahanda dahil buntis ako. "Xander!" tawag ko dahil 11 pm na. Nagulat naman ako nang makita siyang tulog. Umupo ako at kinurot ang pisngi niya. Ngumiwi lang siya at tinanggal ang kamay ko sabay baling patalikod saakin. "Tsk! Hindi daw matutulog" inis kong bulong at tumayo na. Umupo ako sa harap ng salamin at nagsimula nang mag make up, nagkulot din ako ng buhok. Ilang sandali ay naramdaman ko nanaman ang kalikutan ng anak ko sa tiyan ko. "Baby No name! Behave naman!" bulong ko dahil nasasaktan ako sa sipa niya. Napakalikot niya sa