Hanna's P. O. V Napabangon ako nang maramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko, nagmamadali akong pumunta sa banyo at sumuka sa sink. Bigla kong naalala ang nangyare sa amin ni Xander kahapon nang makita ko ang lababo. He didn't sleep with me last night because he said the company needs him. I don't believe him, baka gusto niya lang magliwaliw. Naligo ako at nag-ayos ng sarili, nagbihis din ako ng pang-office. Tatawagan ko na sana si Sam para magpasundo ako dahil hindi ko dala rito ang kotse ko. Bigla kong nakita ang kotse ni Xander na nag-park sa garahe. Sumilip ako sa bintana. Nakita kong sinarado niya ang gate at muling ni-lock iyon. Napakunot naman ang noo ko. Maybe he's doing that for safety. Bumaba ako sa living room at sinalubong si Xander. "Xander," tawag ko nang pumasok si