Limelight AiTenshi April 11, 2017 Part 13 "Sobrang miss na miss ko na kasi si Babe kaya heto dinalaw ko siya dito. Saka may midnight ball kami mamaya sya ang escort ko diba?" ang wika ni Cha habang naka lingkis ang kamay sa bilugang braso ni Jevan. "Oo nga pala at kailangan icover namin iyan ha. Sino naman ang designer ng gown mo para mamaya? Sa saka follow up question lang, ano ang feeling mo na makita ang picture nina Jevan at Kiko na halos mag halikan na sa eksena? Okay lang ba sayo? Balita namin ay matindi ang s*x scene ng dalawa. Ano reaksyon mo.?" tanong ng media "Yung designer ng gown ko ay from France pa, sya ang gumawa ng gown ng Miss Universe. Gosh worth 4 million pesos yon. Syempre ayoko naman mag suot ng cheap diba? Ang ganda ganda ko tapos mumurahing tela