Limelight AiTenshi April 29, 2017 Part 24 Alas 4 ng hapon noong magising ako. Matagal tagal ring nag labas ng sama ng loob si Jevan hanggang sa makatulog ito na parang bata. Ako naman ay tumabi sa kanya at panandaliang ipinikit ang aking mga mata. Nakaramdam lamang ako ng panunuyo ng lalamunan kaya't marahan akong lumabas ng silid upang mag tungo sa kusina para kumuha ng tubig. Tahimik sa bahay nila Jevan, malaki ito masyado kaya't pag baba ko palang ng hagdan ay wala na agad akong makitang tao sa gawing sala. Lumakad ako patungo sa kusina at doon ay agad akong sinalubong ng isang kasambahay. "Hi Sir Kiko, ang gwapo niyo talaga sa personal. Idol na idol ka ng dalawang anak kong dalaga. Naku tiyak na matutuwa sila kapag nakita ka nila ng personal." ang masayang bati niya.