“CHEERS!” sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan at ipinagdikit ang nguso ng inumin habang pagtuloy siyang nag-iisip sa kanyang magiging desisyon.
“Come on, Alex. Loosen up, nasungkit mo na ang pinaghirapan mo ng limang taon. Ganap ka ng bantog na manlililok.” ani Shania na nagpangiti sa kanya nang maringal. “This only happens once in your life so you should be celebrating. Stop being so damn meek and have fun.”
Napatango si Alexandria bago ipinatunog ang nguso ng iniinom na Agiane Beer. May punto naman ang kaibigan, karapatan niya ang magbunyi. Natupad niya na ang pangarap simula pa noong high school. Sa araw-araw na hirap niyang dinanas sa pagmamasa at pagbuo ng tumang hugis hamit ng clay ay nasungkit niya sa wakas ang pangarap.
Hindi siya sanay sa maiingay na lugar. Bilang isang manlililok ay nakagawian niyang mamuhay nang tahimik, payapa para makapag-isip ng ideya na ibubuo. At ang gusto niya lamang ay simple at pribadong pagtitipon-tipon kasama ang kanyang malapit na mga kaibigan. But knowing Shania, she wouldn’t get off the hook by just Netflix and Chill without celebrating with obnoxious sounds. In their circle, she is the life of a party. Her job as a celebrity DJ corresponds to that. Pinagbigyan niya na lamang ito dahil tama naman ito, paminsan-minsan lang namang ang ganoon na okasyon.
“Are you okay?” pagtitiyak ni Mika na tahimik lamang din sa isang sulok. “Tell me you’re not because I am not too.”
Napahalakhak si Alexandria. Kabaliktaran naman ito ng kaibigan na si Shania. At naiintindihan niya ang naging reaksyon nito sa kasalukuyan dahil may pagkakapareho sila ng kaibigan. Gaya ng kanyang nais na pamumuhay ay isa rin itong sanay sa tahimik na lugar. Ito ang uri ng manunulat na nakakapag-isip ng bagong pangyayari. Kaya naman ngayong nasa maingay sila na lugar ay hindi niya ito masisi kung halata sa mukha nito ang kawalang gana. Ang alam niya ay kasalukuyan nitong inaayos ang manuscript para sa libro na ilalagak nito sa mga bookstore nationwide. Marami-rami na rin itong tagahanga. At hindi na siya magtataka kung ito man ang sumunod sa yapak ni Martha Cecilia sa larangan ng pagsusulat.
“I am fine, Mik. Let’s bear with it because I’m sure we will not be doing this for a long time,” natatawang pagpaparinig niya kay Shania na umirap lamang sa kanya at tinungga ang hawak na alak. “Annoying, yes. But let’s just make fun out of it.”
Nakita niyang umingos si Heather kaya napatingin siya sa isa pang kaibigan. Tumingin siya kay Mika upang sana’y magtanong ngunit nauuna itong nagkibit-balikat senyas bilang pagbigay na wala itong ideya.
“Say it,” aniya sabay pinaningkitan ito ng mga mata. “I know your words are expensive, our dear newscaster. But you need to say it.”
Pinaikot nito ang mga mata at tinungga ang alak. “Just get the hell on with it because you agreed to Shania’s idea. Sorry pero sa akin ay aksaya lang ito sa oras.”
Kagaya nang inaasahan ay ito lamang ang pinakamahaba nitong sinabi ngayong araw. It was always with two sentences or worse one if Heather is not in a mood. Hindi na lamang siya nagreklamo dahil nirereserba nito ang boses sa trabaho bilang newscaster ng top broadcasting system ng Pilipinas, ang channel 15 o sa mas kilalang tawaging PBSN. Sanay na silang hindi masyasong nagsasalita ang kaibigan nilang si Heather ngunit kung may maganda naman itong mababahagi na desisyon ay nagsasalita ito.
“I know. This is only one night, Heather. One night. Pagkatapos nito ay balik na tayo sa kanya-kanyang buhay at trabaho.”
Umismid ito at iniwas ang tingin. “Congratulations again.”
Nagpasalamat siya pagkatapos ay pinakatitigan ang Agiane bago tinungga ang alak.Tahimik lamang silang tatlo habang nagbabahagi si Shania sa naging karanasan nito bilang celebrity DJ habang katrabaho ang mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas, katulad nila Regine Velasquez, Morisette Amon at marami pang iba. Habang abala sa pakikinig ang dalawa ay abala din siya sa pabuo ng desisyon.
Ito na ang tamang pamahon para doon. Isa pa, ipinanagko niya noon na kapag nasungkit niya na ang pangarap ay pagbibigyan niya ang sarili sa gusto.
“I have my decision,” pagputol niya sa kuwento ni Shania habang nakangiti sa mga ito. “I’m doing it.”
Naguguluhang tumingin ang tatlo sa kanya at ang unang nakahuma sa kanyang sinabi ay si Shania sa pagtingin sa kanya nang makabuluhan sa nakakaaliw na pamamaraan.
“You are doing it?” engganyong tanong nito na desididong nagpatango sa kanya. “Like as in doing it?”
“Yes. Since I already achieved my goal then might as well do it after,” tugon niya na nagpabuntong-hininga kay Mika.
“You are going to regret it, Alex. Doing it will only make it worse. You wouldn’t know. It might lead you to a disaster.”
“Manahimik ka nga, Mika,” eksaheradang pagkontra ni Shania. “Hindi ito kasama sa mga ginagawa mong novel na may mga happy ending lagi sa dulo. Hindi ito fiction, okay? Hindi laging ganoon. Masyado ka ng kinakain ng sistema. Believe me or not, this is the easiest way to have a child. What’s the worst that could happen if ever Alex would try?”
“What’s the worst that could happen?” pag-uulit ni Mika sa tono na paasiwa. “Are you joking or you’re just pure dumb? Just by doing a one-night stand with a stranger is already worst.”
“Risk-taker, not dumb,” ani Heather na nagpasang-ayon sa kanya sa pagtango. “Let’s have a peaceful meeting here.”
“Peaceful? Given by the obnoxious music, I can never call this meeting peaceful,” ani Mika sa pabulong na paraan. “This is the worst meeting ever!”
Pinatirik ni Shania ang mga mata at ikinulong ang kanyang mukha gamit ang mga kamay nito. “Don’t listen to her. Just pretend Mika didn’t exist for now and focus on me. Because my plan is effective, you know that. For all I know is aside from it’s easy, this is less expensive than having sperm injected in your egg cell. And in a traditional way of making a baby, there is always an anticipate prize…” Biglang muminang ang mga mata nito. “It’s the pleasure, honey.”
Halos mapatirik ang mata ni Alexandria dahil doon. The pleasure was a plus points, yes. As a virgin, she anticipates that as well, but having a child is her priority than making her inner goddess happy. And besides she is not getting any younger. Bearing a child with her sweat and blood will be a fulfillment for her. With an age of twenty-seven, it is still possible. After being a successful sculptor, having a child is her goal now.
“I don’t understand you, Alex, I really don’t,” biglang komento ni Heather na nagbigay sa kanya ng kuryusidad para makinig sa saloobin nito. “You are good without a man, I mean look at you, we can tell that you are. I like the idea of you not getting married because that is what I’m going to do as well, however, I don’t understand the idea of you always wanting to have a child ever since we were in college. Aren’t you going to be better off without the two? We are already stress than we are right now. Dagdag lamang iyon sa problema.”
“Isa ka pa, Heather, ang bitter mo talaga kahit kailan! Ganyan ka na ba kagalit sa mundo?” pasaring ni Shania na nagpahalakhak sa kanya habang si Mia ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila.
“We are a spinster, I know. But you know, having a child someday will be good for my health… or bad, I don’t know, but it’ll be the other way around. Unless that way, I can call myself a mom.” paglilinaw niya sa kaibigan.
“You can try adopting,” sansala ni Mika. “It’s effective too. Losing your virginity to a stranger would be weird, don’t you think?”
“Ah, kaya pala taguan ng anak ang pinaka-unang series mo,” pang-aasar ni Shania na nagpaikot sa mga mata ni Mika sa iritasyon.
“Cut it, you two…” sita ni Alexandria sa dalawa. “My decision is final all right. I am going with Shania’s idea.”
Si Shania ay nakipag-kamay sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Nagpangalumbaba lamang si Heather at umingos sa kanyang pahayag habang si Mika ay napabuntong-hininga sa kanyang naging desisyon.
“Yes, you heard me right. And I’m doing it tonight!”