“ALAM mong may magagawa na magagawa ako, Ms... Whoever you are,” mayabang na sambit ni Mr. Leandro Ruiz na para bang nakakadiri ang kanyang pagkatao. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit ganoon na lamang kung matakot ang mga kaibigan ni Alejandro sa ginoo; sa ama ni Alejandro. Mr. Leandro Ruiz is damn ruthless of a man, it's obvious. Subalit sa hindi alam na kadahilanan ay hindi siya natatakot dito. Dahil alam niya ay wala siyang masamang nagawa dito at sa kung sinumang kapwa tao. Patuyang tumayo si Alexandria sa kinauupuan at nanunukat na tiningnan ang ginoo pagkatapos itinukod niyang ang mga kamay sa mamahalin nitong marbol na mesa. “I’m disappointed, sir. I though you already ran a background check on me. Because if you will ask me, I already have enough information from you, Mr