"Anak, hindi ka na naman ba papasok?" tanong ng mama niya sa kanya pagkapasok pa lang nito sa kuwarto niya. Tumagilid si Hazen nang higa para maitago sa mama niya ang kalungkutan niya. Oo, hindi na naman siya papasok. Sabi kasi kahapon ni Mieko ay may practice raw sila ngayon. At iyon ang iniiwasan niya mula nanggaling sila sa bahay nina Jane at makita nila na walang kakayahan ang kuya ni Jane sa binibintang nila. Payat na payat ang kuya ni Jane nang makita nila. Bedridden na nga yata, eh. And she felt even more guilty about it. Pahiyang-pahiya sila na umalis sa bahay nina Jane noon. And since that day, she has lost her interest in dancing. Na-realize niya na dahil sa lintik na pagsasayaw na iyon ay may maagang pumanaw. Ayaw na niyang maulit iyon. Nakakatakot. Hindi niya alam kung nakak