"Ano papatayin ko na 'tong naka-wheelchair?! Papatayin ko na, ha?!" panghahamon ng guwardya nang parang walang balak ang killer na ibaba ang mga kutsilyong nakaamba pa rin kina Hazen at Prince. Totoong sakal-sakal niya ang lalaking naka-wheelchair habang pinapanood sa isang CCTV monitor ang nagaganap sa roof top. Pasalamat niya at narating niya agad ang surveillance room kanina. Nagulat pa nga siya nang makita niya ang lalaking naka-wheechair pero napagtanto rin naman agad niya na kasabwat ito ng killer. Kaya pala madali lang ang pagpatay ng killer sa mga tao sa school dahil sa mga CCTV at sa kasabwat nito. Nagkatinginan naman sina Hazen at Prince na nasa rooftop. They are confused. They both feel sorry for their mistake because they genuinely believed that the guard was the killer. Mali