"Akala mo siguro ay maisahan mo kami ano? Tsk! Tsk!" ismid ni Duncan nang sa wakas ay nabihag nila ang espiya o ang sekretarya niyang si Patricia Arevalo. "Wala akong alam sa sinasabi mo, Sir...!" "Shut up! You impudence wenched! Just shut your mouth!" Malakas na pamumutol ni Duncan sa babaeng nakaposas. Kahit nagkasala ito sa batas kung marunong sanang umamin ng kasalanan ay hindi na niya ito kailangang iposas. Kaso kitang-kita na nga ang ebidensiya ay nakuha pa ang magsinungaling. "Miss Arevalo, kami ang mga taong hindi pumapatol sa babae. Ngunit kung patuloy kang magsinungaling ay mapipilitan kaming parusahan ka ng batas militar. Alam mo na ang ibig sabihin niyan dahil graduate ka sa PMA kaso hindi mo ginamit sa maayos na paraan," saad na rin ni Adolfo. "Wala kayong malalaman sa ak