"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid. "Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila. "I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli. "Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam. Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila. "Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna