"Brother, smile na mula. Mamaya mo na pagpantasyahan si Miss Elizza. Dahil kailangan nating gumawa ng plano upang mapakulong ang mga hayop na iyon." Baling ni Kyle Brielle sa kambal na hindi maipinta ang mukha. "Tsk! Tsk! Baka ikaw ang may type sa kaniya, kambal? Bakit mo ba ipinapasa sa akin?" Ingos nito sa kaniya. "Correction, Kuya. Ang sabi ni Kuya KB ay mamaya mo na pagpantasyahan hindi niya sinabing may gusto ka. Aba'y baka naman mayroon ka talagang gusto kay Miss Elizza?" Panunukso pa ni Owen Liam na agad ding ginatungan ng kambal niya. "Elizza Hailey Young, hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay hindi apelyidong Pinoy. Saka wala namang problema kung magkagustuhan kayong dalawa. Well, masungit ka sa kaniya at taklesa naman siyang humarap sa iyo. Kaya't quits na kayong dalawa." Naka