Chapter 32: The accident Ziel's POV

1526 Words

Umuulan nang gabing iyon habang pauwi ako ng aming tahanan. Ilang beses na nag-miscall ako kay Fionah pero out-of-coverage area ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya makontak samantalang kanina lang ay panay pa ang reply niya sa text ko. Nagtataka man ako kanina ay medyo hindi ko na masyadong inintindi iyon dahil malamang ay busy lamang siya sa pagpili ng mga bulaklak. Pero nagtaka na ako nang pagabi na ay hindi na siya nagrereply sa mga text ko. Nakadama man ako ng konting kaba ay inalis ko iyon sa isip. Walang mangyayari na masama sa kanya dahil matalik na kaibigan naman niya ang kasama niya na pinsan ko naman. Pero wala akong tiwala sa hunghang na 'yon. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong pag-amin niya sa nararamdaman niya kay Fionah. She loves Fionah and I hated that fact.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD