IKALAWANG YUGTO :: PART 23

533 Words

"Napansin niyo ba?! Ilang araw nang hindi pumapasok si Yasudhara?" Agaw pansin ni Joyjoy kina Rose at Jennie. May nire-research sila sa library ng kanilang school. Tumingin dalawa rito. Tapos ay nagkatinginan sa isa't isa. "Napansin ko rin," sabi ni Jennie. "Wala akong pake ro'n.." matabang naman na saad ni Rose. "Close kayo?" bara pa nito kay Joyjoy. Inirapan ito ni Joyjoy. "Pansin ko lang po!" Nailing si Jennie sa dalawang kaibigan. Paminsan-minsan ito ang kinakatakot niya sa dalawa dahil may tyempo na nagkakairingan sila. "Tama na 'yan. Tapusin na natin ang research natin at mamaya and'yan na si Jordan," awat niya sa mga 'to. Sabay sipat sa kanyang relo. Thirty minutes na lang ay susunduin na siya ng nobyo. Aalis kasi sila, dadalawin nila ang kanyang Mommy at Daddy sa probinsya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD