UNANG YUGTO :: PART 11

568 Words
Alinlangang inabot ni Jennie ang isang dosenang red rose. May nakapagkit din doon na note na hugis puso pero hindi niya muna binasa. "Thank you," pilit ngiti niyang pasasalamat sa malaki at machong lalaki. Umalis ito agad pagkatapos yumukod sa kanya. Nakagat niya ang pang ibabang labi saka napahimas batok siya. Ewan pero nahihiya siya kay Paul sa hindi niya inasahang eksenang ito. Pero bakit kaya siya binigyan ni Jordan ng mga bulaklak? Dapat ay siya pa nga itong magbibigay ng something sa binata, eh. Bilang pasasalamat ba sa gagawing pagtulong sa kanyang ama. Naguguluhan siyang ibinaba niya ang mga bulaklak sa lapag ng lamesa. "Ang sweet naman ng manliligaw mo. Did you know that Jordan doesn't know how to court?" ani Paul. She looked straight to his eyes, wondering. Pero saglit lang ay naalala niyang pinsan nga pala ito ni Jordan. Nakahalukipkip ang binata at wala man lang mababakas na kahit ano sa mukha, gaya ng selos ba. Parang mukhang natutuwa pa ito na ikinainis naman niya. Sabagay, bakit nga naman ito magseselos pala? At teka bakit siya naiinis kung walang reaksyon ito? Naguluhan pa siya lalo sa sarili niya. "Ah, 'yan ba? Mga bulaklak bulaklak, hindi na ako kinikilig sa mga style na ganito, eh. Common na ang ganito, eh," kunwari ay sabi na lang niya na pinasaya ang boses niya. "Sa dami kasi ng manliligaw ko ay puwede na nga akong magtayo ng flower shop, eh, kaya wala 'yan," aniya pa sabay pilit na humalakhak. Kung nakita lang sana niya ang pagkunot-noo ng binata. Pero nang tingnan niya ito ay nakangiting Paul ang nakita niya. "Is that so? Sabagay 'di naman maikakaila kasi maganda ka," tapos anito. She winced. Mali yata na naman ang kanyang diskarte. Nagmukha pa yata siyang playgirl sa mata ng binata. Ano ba 'yan?! Sabi lang niya 'yon, eh! Oo, may mga nanligaw sa kanya pero ang totoo ay first time nga niyang makatanggap ng bulaklak. Dyahe nga lang! Dahil ang first rose niya sana ay galing pa sa mayabang na Jordan na iyon. Kainis! Tumayo na si Paul at akmang aalis na. "Tapos ka na?" Naalarmang tanong niya rito. Ayaw niya itong umalis. "Nawalan ako ng gana," nagtatampo ang boses na sagot ni Paul. Walang lingon-lingon na iniwan na siya nito. Sa pagkakataong iyon ay kilig na lumapit agad sa kanya sina Rose at Joyjoy. "Naks! Haba ng hair mo, Sis!" tudyo ni Joyjoy sa kanya. Agad nilang pinagkaguluhan ang bulaklak. Binulatlat ni Rose ang note. Ito na ang nagbasa. "Eiiihhhh!" tapos ay hindi napigilang tili ni Rose nang mabasa kung kanino galing ang bulaklak. Sinilip din ito ni Joyjoy. Napatili rin ito sabay batok sa kanya ng hindi sinasadya. Napalakas iyon kaya muntik nang masubsob ang mukha niya sa lamesa. "Ano ba?!" angil niya sa kaibigan. "Ay, sorry," natatawang peace sign ni Joyjoy sa kanya. "An'taray naman kasi ng beauty mo! Type ka ni Papa Jordan, magkita raw kayo bukas!" "Oo nga! Werpa ka, Lodi!" sabi rin ni Rose. Sa halip na matuwa at kiligin din ay inirapan niya ang dalawang kaibigan. "Hindi pa ba obvious kung sino ang gusto ko?!" singhal niya na humalukipkip. Padaskol na kinuha niya sa kamay ni Rose ang mga bulaklak, tumayo at napabusangot ang mukha niyang itinpon iyon sa basurahan. Panira ng moment na bulaklak, eh! Nang ibalik niya ang tingin kina Joyjoy at Rose ay parehas nakanguso ang mga ito sa kanya.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD