PART 13

1011 Words
Sa likod ng gym natyempuhan ni Jennie si Jordan. Sa wakas ay wala na itong kinakausap o wala nang kumakausap. Napaisip tuloy siya, sa sobrang busy nitong tao paano pa kaya nito magagawang manligaw kung sakali? Napaismid siya sa naisip na 'yon. As if namang seryoso ito? For sure, pinagtri-trip-an lang siya ni Jordan. O kaya naman nagka-interesado lang sa kanya kasi magkaibigan ang kanilang mga Daddy. In short, gusto lang siyang paglaruan. Sa guwapo nito, magkakagusto sa kanya ng totoo? Imposible! She took a deep sigh before she approached Jordan. She wants to thank him for helping her father. Nais nga sana niyang sa Mayor na personal siya na magpasalamat pero wala siya sa posisyon para kumausap sa taong may mataas na tungkulin. Hindi yata naramdaman ni Jordan ang kanyang paglapit kaya naman tumayo na lang siya likuran nito. Napakunot-noo siya. "Grabe naman ito uminom!" usal niya dahil kumuha ulit ng isang bottle ng mineral si Jordan at nilagok. "Miss Jennie, may kailangan po kayo?" bungad ni Wilson na mula rin sa likod niya. Napadilat tuloy ng mata si Jordan. Nang lumingon ay muntik na siya nitong mabugahan ng tubig. Nagulat siguro dahil nasa likuran siya nito. "Sorry!" pilit ngiti nitong paumanhin. Buti na lang ay natakpan nito ang bibig at hindi iyon naibuga. Tapos ay nilunok na lang nito ang tubig at pinunas ng palad ang bibig. Napangiwi naman siya sa ginawang iyon ni Jordan. "Kadiri!" piping sabi niya sa sarili. Turn off na makita sa gano'n ang Jordan na guwapo at kagalang-galang. Pagkuwa'y nginitian niya si Wilson pero napakunot-noo siya nang may maisip. Mayamaya ay lumuwang ang pagkakangiti niya. "Paul is here?!" saka excited na tanong niya sa driver ng binata. Hindi nga ba't driver ni Paul si Wilson? Kaya kung nandito ang driver, eh, malamang nandito rin ang amo. Napatingin si Wilson kay Jordan. "No! He's not here. Nasa out of town si Paul, may inasikaso," kaya maagap na sagot ni Jordan. Napalabi siya. Kaya naman pala absent si Paul. Pasimpleng sinenyasan ni Jordan sa mata si Wilson. Nakuha naman agad ni Wilson ang gustong iparating ng amo, ang umalis na ito. "Sige po Miss Jennie, alis na po ako. May inutos lang po sa'kin si Sir Jo- este ni Sir Paul sa'kin dito," paalam ng binatang driver na diniinan pa ang pangalan na 'Paul' sabay ngisi kay Jordan. Bahagyang yumuko lamang si Jennie na ngumiti. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong si Wilson. Kung puwede lamang ay gusto niyang sumama or sundan ito para makita niya si Paul. Miss na niyang kulitin ang binatang suplado. "By the way why are you here? Something wrong?" narinig niyang tanong ni Jordan sa kanya. Balik tingin siya rito. Peste! Ang guwapo! She cleared her throat to wash away the horrible thoughts in her mind. Hindi pa nga sila ni Paul, nagtataksil na siya. Tsk! Bad! "Ah, eh... kasi gusto ko sanang magpasalamat sa mga kabutihan niyo kay Dad," tugon niya. Galing 'yon sa kailali-laliman ng kanyang puso, walang halong eklabos. Batid niyang hindi sasapat ang simpleng pasasalamat pero ito lang ang alam niyang kaya niyang isukli sa tinutulong sa kanila ng mag-ama. Napamulsa si Jordan tapos ay ngumiti. "Don't mention it. Ano pa't naging magkaibigan sila ni Daddy and Dad told me na madami ring naitulong ang Daddy mo sa kanya noon kung kaya't ibinabalik lang nito ang kabutihang iyon." Ngumiti siya ng sobrang tamis. Sabi na, eh, matulungin talaga ang Dad niya. "Anyway, gusto mo kumain sa labas?" mayamaya ay pag-anyaya ni Jordan. Awtomatko ay nawala ang ngiti niya, napasimangot siya. "Ayan ka na naman," at aniya na umirap. "Why?" "'Di ba sabi ko sa 'yo pwede tayong maging makaibigan pero hindi mo ako pwedeng ligawan!" she told him, her voice rising up a notch. Napamaywang din siya. Natigilan si Jordan. Sa isip nito, niyaya lang nito ang dalagang kumain bakit napunta agad na naman sa panliligaw? Ibang klase! Tsk! "Alam mo namang may mahal na ako 'di ba?" dugtong pa ni Jennie. And she's proud of it. "Sino? Si Paul?" Tumango siya ng sunod-sunod. She could feel a blush creeping on her chicks. Shems! Ngayon lang siya naging malandi, promise! At ewan dahil tumawa ng malutong si Jordan. Na siyang nagpakunot-noo sa kanya. Anong nakakatawa? Tinatawanan ba nito ang nararamdaman niya para kay Paul?! Kapal! Sa inis niya ay inapakan niya sa paa si Jordan. Hustisya para kay Paul! "Aray!" Jordan growled. Masama ang tingin nito na pinukol sa kanya. Humalukpkip siya. "Huwag na huwag mong tinatawanan ang lalaking mahal ko!" saka singhal niya. Saglit na natigil sa pagtawa ang binata. "Are you damn serious?!" "Sa tingin mo?!" seryosong balik tanong niya na humalukipkip pa. Nang makita ni Jordan na seryoso nga si Jennie ay mas malutong pang tawa ang pinakawalan ng binata. Nagkadahawak-hawak pa ito sa tiyan sa hindi mapigilang tawa. Gustong magdilim ng paningin si Jennie. Naningkit na ang kanyang mga mata. Sa sobrang inis ay kinuha niya ang isang bottle ng mineral, tinungga pero hindi nilunok bagkus ibinuga niya iyon sa binatang patuloy pa rin sa pagtawa. Natigilan si Jordan na nabasa ang mukha. "What the fu--" Tinaasan niya ito ng isang kilay. Saka taas noong humalukipkip ulit. "That's for Paul!" "You're crazy!!" galit na bulyaw ni Jordan habang pinupunasan ang mukhang basang-basa. "Ikaw ang baliw! Magkusa ka na sa mental, hah?" "Tell that to yourself dahil in love ka sa lalaking pangit! Baliw lang ang nagkakagusto sa mga gano'n!" "And so kung panget siya?! At least siya tao! Ikaw demonyo!" Natigil lang ang bangayan nila nang biglang may tumikhim, ang mga Daddy nila. Takang-taka ang Mayor at si Mang Rodulfo sa eksena nila. "What's happening here?!" hindi makapaniwalang tanong ng Mayor kay Jordan. Matalim na tingin muna ang pinukol ni Jordan kay Jennie. "Nothing Dad, we're just having fun!" tapos anito saka nagwalk-out. "Anak, ano'ng nangyari?" tanong naman ni Mang Rodulfo kay Jennie. "Hija, you okay? Pasensya ka na sa anak kong iyon," hingi ng paumanhin naman ng Mayor. Nahihiyang tumango si Jennie. Hindi niya magawang tumingin sa Mayor. Nahihiya siya!..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD