Nagkukulitan pa silang tatlo na magkakaibigan nang patungo sila sa lugar kung saan sila magkikita-kita ni Yasudhara. Masaya sila maliban sa kanya na pinipilit ang sarili. Ang totoo ay ayaw niya nga sanang sumama ngayon kasi wala talaga siyang gana pero pinilit talaga siya nina Joyjoy at Rose. Saglit lang naman daw sila. At sa isang pangmayaman na boutique ng mga damit pangkasal sila pinapunta ni Yasudhara, parteng Makati. "Wow!" naibulalas agad ni Joyjoy nang nasa harapan na sila ng tindahan na iyon ng mga damit pangkasal. "Ang gara! Siguro ang bongga ng mga magiging wedding gown ni Yasudhara sa kasal niya!" "Ang tanong gwapo kaya ang magiging asawa niya?" pambabara na naman ni Rose. "Syempre naman! Ang ganda kaya ni Yasudhara kaya malamang guwapo rin ang pakakasalan niya!" "Let's see