"Dude, I don't know, okay?" Narinig niyang sabi ni Xander dahilan para kumunot ang noo niya. Pero hindi siya nagpahalata kahit na linalamon na ng matinding kuryusidad ang sistema niya. Iyon lang naman ang narinig niya kaya hindi pa dapat siyang mag over react. "Jethro, hindi ko alam kung makakapunta ako diyan. Hindi ko maiwan-iwan ang pamilya ko dito, alam mo 'yon. Hindi ko rin naman sila magawang isama diyan lalo pa at kailangan siya ng kapatid niya," malakas na napabuntong hininga si Xander pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Nawala ang pagkakunot ng noo ni Emma nang lubos na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang asawa. "Your wife is a strong woman, dude. I know she can handle the situation very well. But she need you while facing this hard time. Please, Jethro.