Dinala ni Xander ang kanyang asawa sa condo unit nito after the party. Umaabot hanggang taenga ang ngiti nito habang binabaybay nila ang kalsada. Dalawa lamang sila sa loob ng sasakyan pero may nakasunod naman sa kanila na ibang sasakyan para masiguro ang kanilang kaligtasan. Ayaw pa rin nilang makapante kaya mas mabuti na iyong naniniguro sila. Hindi naman sila titira sa syudad dahil uuwi din sila ng probinsya at sa bundok na maninirahan. Doon mas pinili ni Emma na manirahan kaysa sa syudad. Doon ay alam ni Emma na magiging tahimik ang kanilang pamumuhay. Napag-usapan na rin nila ang trabaho ni Xander. Sa ngayon ay titigil muka siya sa pagtatrabaho para ibigay ang lahat ng oras at atensyon nito sa kanyang mag-iina. Agad naman pumayag ang mga magulang ni Xander. Pagdating sa loob