Story of Jethro and Edna titled Broken Angel is now uploaded Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha habang pinapanood ang aking asawa na nakikipaglaro sa dalawang babae na ngayon ko lamang nakita. Hindi naman ito ang unang beses na nagdala siya ng ibang babae sa sarili naming tahanan pero ito na yata ang pinakamatindi. Bukod sa harap-harapan niyang ipinamumukha sa akin ang pambabae niya ay hindi pa siya nakuntento sa isa dahil humantong sa sukdulan ang kawalan ng respeto niya sa akin dahil sa pagdadala ng dalawang babae sa tahanan na dapat sana ay ako ang nagiging reyna niyon. Pigil na pigil ko ang gumawa ng ano mang ingay habang patuloy silang pinapanood. Hindi ko alam dahil sa halip na umalis at huwag na lang silang pansinin ay tila ba walang lakas ang mga paa ko para humakban
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books