Kinaumagahan ay nagising si Xander dahil sa walang humpay na pagtunog ng cellphone nito. Inaantok pa rin ang mata nitong kinapa ang umiingay na cellphone sa ibabaw ng bed side table. Bahagya lamang nakabukas ang mga mata nito pero dahil sa ilaw nito ay agad niya iyon natagpuan. Hindi pa tuluyan nagigising ang diwa niya pero pinilit niyang alamin kung sino ang umiistorbo ng kanyang tawag. Nang makita ang pangalan ng Nanay nito sa caller ID ay mabilis siyang nagising. Hindi maipaliwag ni Xander ang biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi ugali ng kanyang Ina na gambalahin siya lalo pa at sa oras ng pagtulog nito. Umupo si Xander sa ibabaw ng kama at agad na inayos ang sarili bago sinulyapan ang asawang natutulog sa tabi niya. Nandoon pa rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang p