"Emma, sandali. Huwag kang pumikit. Dadalhin ka namin sa hospital," agarang saad ni Mico nang makitang unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata. Pinilit niyang ngumiti at tumango sa paboritong Tito ng kanyang asawa. Nagsimula gumalaw ang mga ito. Pero dahil buntis ang babaeng may sugat sa kanilang harapan ay nag-alinlangan pa sila kung sino ang dapat na bumuhat sa kanya. Kahit nanghihina na ay nagawa pa rin ni Emma na tumawa. Alam naman kasi niya na subra na ang bigat nito lalo pa at talagang tumataba siya. "Mga gago kayo. Wala kayong silbi. Umalis kayo sa harapan ko kung ayaw niyong pag-uugtugin ko ang mga ulo niya," inis na sabi ni Mico sa kanyang mga kaibigan. Pero nang akma siya nitong bubuhatin ay napangiwi rin ito. "Ayos lang. Tulungan mo na lang akong tumayo. Kayo ko pa nam